Mga Post

Imahe
      Mayo 21,1599 ng maitatag ang kabigha-bighani at kakaibang simbahan ng San Bartolome sa Poblacion, Malabon City.     Ang simbahan ay tunay na hinahangaan at dinarayo dahil sa taglay nitong kagandahan na babalot ng kapayapaan sa iyong puso at espiritwal na kaluluwa.     Ang simbahan na handog sa santong si Apostol Bartolome ay pinaniniwalang naging isang magiting na bahagi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan ito ay bumagsak at paunti-unting nawasak. Gayunpaman, ang simbahan ay patuloy na naglingkod sa mga mamamayan ng Malabon at patuloy pa na naisaayos at napaganda sa paglipas ng panahon. Sa aming paglalakbay sa loob ng marilag na simbahan ng San Bartolome ay sinalubong kami ng mala-gintong mga ilaw na nagpapatingkad sa payapang kulay ng nasabing simbahan. Ang loob ng pook ay punong puno ng mga simple ngunit magarbong palamuti. Ang bawat sulok ng naturang simbahan ay sumisigaw ng kabanalan at animo'y binabalot ng malamyos na m...